ANG BIGAA, SI DOLPHY, PATI NA SI REGINE
Lingid sa kaalaman ng marami, isa rin siyang Dugong Bulakenyo, may lupain si Dolphy sa Bgy. Wawa, Balagtas, Bulacan. Ang ina ni Dolphy na si Salud ay nagmula sa Wawa, Balagtas. Isa sa kanyang anak, si Rodolfo, Jr. ay nakatira sa kanyang rest house sa Sitio Barmat, Wawa.

Ang malapit na kamag-anak ni Dolphy sa Balagtas ay ang lahi ni Lolo Kanor o ang aming Ingkong Kanor na ama ni Kapitan Pabling Miranda ng Wawa. Kapag umuuwi si Dolphy sa Bigaa, ay tumutuloy siya sa matandang bahay ni Ingkong o kaya ay sa bahay ni Tata Pabling sa Bgy. Wawa—ang barangay kung saan nagka isip at nag-aral ng elementarya si Regine Velasquez.
Instrumento si Kapitan Pabling Miranda, pinsan ni Dolphy, na sinasabing nagpakilala kay CHONA VELASQUEZ kay Dolphy nang hindi pa ito gaanong popular. Ang unang exposure sa telebisyon ni Chona ay sa Tita Betty's Children Show noong nasa Manila pa sila, at ng lumipat na ang pamilya niya sa Balagtas ay nasali siya sa BARANGAYAN sa Channel 4.
Ang BARANGAYAN ay isang amateur singing contest sa Channel 4 kung saan inilalaban ng mga barangay ang pambato nilang mang-aawit.
Si CHONA ang inilaban ng Balagtas, Bulacan mula sa tulong ng ng malapit na kamag-anak ni Dolphy na si Kap. Pabling. Pumangalawa lamang si CHONA sa naturang nationwide search, pero ng sumali ulit siya sa Bagong Kampeon, isang nationwide TV singing contest, kung saan host sina Bert Tawa Marcelo na taga Baliwag at ni Pilita Corrales, ay natanghal siyang kampeon, at mula noon ang pangalan ni CHONA ay naging “REGINE” na sumikat nang todo at naging kasikuhan ang pinsan ni Kap. Pabling na si Dolphy. Kung ano ang naging naging halaga ni Dolphy sa pagsikat ni CHONA ay isang lihim na ang tanging nakakaalam lamang ay si Kapitan Pabling.
May ilang anak si Dolphy na nananatiling naninirahan sa Bulacan dahil marami silang kamag anak dito.
May ilang anak si Dolphy na nananatiling naninirahan sa Bulacan dahil marami silang kamag anak dito.